-- Advertisements --

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ang gagawing pagsalakay sa mga mga bodega ng mga negosyanteng tinaguriang rice hoarders ay isang “whole of government approach.”

Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Benigno Durana Jr., naghihintay na lamang sila ng pormal na direktiba apara ikasa ang kanilang gagawing pag iikot sa mga bodega ng bigas.

Pahayag ito ni Durana kasunod na rin ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasalakay nito ang mga bodega ng mga mapatutunayang rice hoarders at sangkot sa kartel ng bigas.

Binigyang diin ni Durana ang kanilang mandato sa sambayanang Pilipino na pangangalagaan ang interes nito kaya’t gagawin nila kung ano ang makabubuti para sa mas nakararami.

Pero nilinaw ni Durana na ang pagtugon aniya sa problema sa bigas ay hindi lamang nakaatang sa Pulisya kung hindi ito’y tinatawag na whole govt approach kaya’t susuportahan lamang nila kung ano ang magiging hakbang ng mga kinauukulang ahensyang may sakop dito.