-- Advertisements --

LAOAG CITY – Magsisilbing panakot sa mga malalaki at maimplwensiyang tao ang pagsali muli ng Pilipinas sa Rome Statute sa International Criminal Court, lalo na sa mga may tangkang mang-abuso.

Ito ang sinabi ni Atty. Chel Diokno, isang Human Rights Advocate sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag.

Ayon kay Diokno, ang tunay na dahilan ng hangaring pagsali muli ng Pilipinas sa International Criminal Court ay dahil sa pananagutan o mapanagot ang mga taong mapapatunayang lumabag sa karapatan ng tao.

Isa pa ay para mayroon pang korte na mag-iimbestiga dahil alam ng lahat na hirap ang justice system sa bansa o mahirap makamit ang hustidya kung makapangyarihang tao ang akusado.

Inaasahan pa ni Diokno na susuportahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court sa drug war ng administrasyon ni datinh Pang. Rodrigo Duterte, at ito magiging daan para matulungan ang mga pamilya ng umano’y biktima.

Dagdag nito na wala naman siyang nakikitang magiging problema kung babalik bilang miembro ang Pilipinas sa International Criminal Court kaya’t susuportahan niya ito.