Kaagad na umani ng samu’t saring batikos ang balak ng Qatar na lumahok sa bidding para sa hosting ng 2032 Olympic Games.
Sinabi ng mga kritiko, hindi umano akmang gawin sa Qatar ang Summer Games bunsod sa napakainit at kakaunti ang stiyak na manonood.
Maliban sa Qatar, inaasahang sasali rin sa bidding para sa 2032 Olympics ang India, estado ng Queensland, Australia, Shanghai, China at ang pinagsamang puwersa ng South at North Korea.
Batay sa ipinatutupad na panuntunan, magsusumite ng request ang interesadong bansa para lumahok sa non-committal “continuous dialogue.”
Kinumpirma naman ng Qatar ang kanilang pagsali sa pamamagitan ng liham sa International Olympic Committee (IOC).
“Today’s announcement marks the beginning of a meaningful dialogue with the IOC’s Future Host Commission to explore our interest further and identify how the Olympic Games can support Qatar’s long-term development goals,” saad ni Qatar Olympic Committee president Sheikh Joaan bin Hamad bin Khalifa Al-Thani sa sulat.