Inihayag ng Japan Airlines (JAL) na aabot sa 15 billion Yen, o mahigit 5.8 bilyong Piso ang operation loss nito, kasunod ng pagtama ng JAL Airbus A350 sa isang Japan Coast Guard aircraft.
Kung babalikan, lumiyab ang naturang airbus ng flight JL516 matapos an pagsalpok sa isa pang aircraft, habang naglalanding sa Haneda airport, Tokyo.
Inaalam ng JAL ang maaaring epekto ng naturang ng insidente sa annual earning forecast sa March 31.
Sasagutin naman ng pangunahing insurance company na America International Group (AIG) ang ilang halaga ng operation loss.
Ito ay ayon sa “all-risks” policy ng naturang widebody jet, na nagkakahalagang 130 milyong dolyar, na may katumbas ng mahigit 7.2 bilyong piso.
Sakop ng insurance ng AIG ang ano mang sira sa bahagi ng Airbus A350, alinsunod sa naturang polisiya.
Bukod sa AIG, may ilan pang insurance company na sasalba sa operation loss ng JAL.