-- Advertisements --

Magiging maulap ang papawirin at may posibilidad na pag-ulan ang pagsalubong sa taong 2022.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration), ang shear line o tila linya ng makapal na ulap ang magdudulot ng maulap na panahon na may kala-kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

“Nakakaapekto ito (shear line) sa Visayas at gayundin sa Mindanao, kaya’t sa araw na ito at sa pagsalubong ng bagong taon, magiging maulan ang ating panahon lalo na sa Visayas at Mindanao,” wika ng PAGASA weather specialist na si Aldczar D. Aurelio.

Ang northeast monsoon o “amihan” naman aniya ang iiral sa Luzon.

Samantala, magdadala ng maulap na panahon ang amihan sa Cagayan Valley, Bicol region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Sa kabilang dako, nairto ang pagtaya ng PAGASA sa temperature range sa ilang pangunahing lugar sa bansa:

Metro Manila: 21 to 30 degrees Celsius (°C)
Baguio City: 12 to 23 °C
Laoag City: 18 to 31 °C
Tuguegarao: 18 to 29 °C
Legazpi City: 24 to 30 °C
Puerto Princesa City: 26 to 31 °C
Tagaytay: 20 to 28 °C
Kalayaan Islands: 26 to 31 °C
Iloilo City: 25 to 29 °C
Cebu: 24 to 29 °C
Tacloban City: 23 to 29 °C
Cagayan De Oro City: 24 to 29 °C
Zamboanga City: 23 to 32 °C
Davao City: 25 to 31 °C