-- Advertisements --

Naging mapayapa ang pagsalubong sa pasko. Ito ang naging assessment ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief PDir. Guillermo Eleazar wala silang namonitor na may mga insidenteng karahasan na naitala sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila sa bisperas ng pasko.

Pwera na lamang ang insidenteng pamamaril na kagagawan ng isang pulis sa Barangay 28, Caloocan City kagabi kung saan walong indibidwal ang sugatan.

Tinukoy ng mga testigo si PO1 Danilo Tiempo ang nasa likod ng pamamaril sa isang lamayan.

Naganap ang insidente bandang alas-11:05 kagabi at kaninang alas-3:00 ng madaling araw sumuko si PO1 Tiempo at humarap kay NCRPO chief Eleazar.

Kinuwento ni PO1 Tiempo kay NCRPO chief ang nangyari dahilan sa kaniyang pamamaril.

Nagalit umano siya ng makitang sugatan ang ama na binugbog ng isa sa mga biktima na nakilalang si Jaylord Balais ng komprontahin nito ang grupo tila galit pa ito sa kaniya kaya ang ginawa nito pinaputukan niya ang mga suspek bago pa siya ang tuluyan na mabugbog.

Kaagad namang naisugod sa hospital ang walong sugatan.

Posibleng mahaharap sa kasong frustrated homicide.