-- Advertisements --

Walang nakikitang problema ang Philippine National Police (PNP) kung isasama sa kanilang mga anti-illegal drugs operation ang miyembro ng media.

Ito’y matapos na ipag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na magsama ng media sa lugar kung saan sila magsasagawa ng nasabing operasyon.

Layon aniya ito na mabatid ng media ang punot dulo ng istorya upang maiwasan ang isyung tinataniman ng baril at ebidensiya ng mga pulis ang mga umano’y nanlabang suspek.

Ayon kay PNP Spokesperson Police C/Supt. Dionardo Carlos, ang presenya ng media sa operasyon ay hindi problema pero ang magiging pangunahing concern lamang ay ang kaligtasan ng media sa tuwing sasama sa operasyon.

Siniguro naman ng PNP na kanilang ia-accomodate ang mga miyembro ng media na sasama sa operasyon.

“On the onset, the PNP is open to media presence and participation in police operations with their SAFETY as our primodial concern. The PNP has been accommodating media presence,” mensahe ni Carlos.