-- Advertisements --
Walang balak si special counsel Roberte Mueller na sampahan ng kaso si US President Donald Trump.
Sa unang public statement ni Mueller mula ng magsimula ang imbestigasyon sa pangingialam ng Russia noong 2016 US election sinabi nito na wala sa konstitusyon ang pagsampa nila ng kaso sa pangulo.
Tiwala aniya siya na walang ginawang anumang krimen ang pangulo.
Kasabay din nito ang pag-anunsiyo niya na siya ay magbibitiw na sa Department of Justice para mamuhay na lamang ng pribado.
Sinuportahan naman ng White House ang naging pahayag ni Mueller at sinabing tama ang naging resulta ng imbestigasyon.