-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Pursigido ang pamilya ng 51 anyos na helper na tumulong sa imbestigasyon upang mapanagot si dating Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa pagmamaltrato nito sa kababayan.
Ito ay matapos kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na pormal nang sinampahan ng kaso ang naturang diplomatic envoy.
Bagama’t tumangging i-ere ang kanilang panig, ngunit inihayag sa Bombo Radyo Koronadal ng kaanak ng naturang helper na labis nilang ikinagalak ang naturang development ng kaso upang makamit ang hustisya para sa naturang katulong.
Matatandaang umani ng pagkondena at pagbatikos ang pag-aabuso ni Mauro kung saan nakunan ito ng CCTV camera.