BUTUAN CITY – Nilinaw ni Atty. Jelbert Galicto na nagalit sa mga regional vice presidents ng PhilHealth-Mindanao si dating PhilHealth interim President Celestina de la Serna matapos nilang kwestiyunin ang appointment nito na ginawa ng Board of Directors ng ahensya imbes na ng presidente ng Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Galicto na dahil sa palagi nilang pagkwestyon ay ini-reassign sila ni dela Serna na syang maalas na gagawin ng mga opisyal kung may magkukwestyon sa ipinatupad nilang mga palisiya.
Dito na umano sila nagsampa ng reklamo sa Ombudsman na ikinagalit din ng board na syang naglagay kay de la Serna sa posisyon.
Nilinaw pa nito na walang problema sa kanila kahit sino pa ang ilagay sa nasabing posisyon basta’t sumunod lamang ito sa legal na proseso dahil kung ilegal ang pagkakaturo ng kanilang opisyal, mas lalong ilegal din ang mga papasukin nitong transaksyon.