-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Ipinagbabawal na ngayon sa isla ng Boracay ang pagsampay ng mga underwear, damit, bed sheet at iba pa sa gilid ng kalsada.

Ayon kay SB member May Lynn Aguirre-Graf, naging ugali na umano ng mga tao na magsampay sa gilid ng kalsada upang madaling matuyo ang mga ito ngunit hindi ito maganda tingnan lalo na’t damit panloob ang mga nakasabit.

Layunin nito na madisiplina ang mga mamamayan upang mapanatiling malinis ang isla ng sa gayon ay mapalakas pa ang turismo lalo na’t unti-unti itong bumabangon mula sa pagkabagsak dulot ng Covid-19 pandemic.

Sa inaprubahang ordinansa ng konseho, papatawan ng multa na aabot sa P2,500 ang mahuling lalabag nito.