-- Advertisements --
LAOAG CITY – Malaki ang magiging epekto hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang pagsasara ng United States Citizenship and Immigration Service Office simula sa Hulyo 5.
Ayon kay Mr. Paul Verzosa, ang Bureau of Immigration (BI) officer sa Ilocos Norte, dapat magbigay ng guidelines ang nasabing opisina para maging maliwanag kung ano ang dapat gawin ng BI at mga maapektuhan nito.
Paliwanag ni Versoza, maaapektuhan ang buong mundo dahil napakaraming tao mula sa iba’t ibang bansa na nag-apply ng petisyon na hindi pa naaprubahan.
Una nang inihayag ni US President Donald Trump na limitahan nila ang mga immigrants na pumapasok sa Amerika dahil nag-aalala sila na mawalan ng trabaho ang mga Amerikano.