-- Advertisements --
Maaring simulan na sa buwan ng Abril ang pagsasaayos ng EDSA southbound lane.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan , na maaaring sa kalagitnaan ng Abril sisimulan ito at matatapos ng hanggang Nobyembre.
Maaring isabay sa Semana Santa dahil sa kakaunti ang bumabiyahe sa nasabing mga panahon.
Kinailangan nilang tapusin ito ng Nobyembre para hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko tuwing Holiday season.