Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Eddie Garcia law na naglalayong protektahan ang mga manggagawa sa entertainment industry.
Ayon kay Speaker ang pagkawala ni Eddie Garcia ay isang tragic loss na dapat magkaroon ng mas malakas na proteksiyon para sa mga industry workers.
Giit ni Romualdez ang “Eddie Garcia Law” ay ang pangako para sa mga aktor, crew members at sa lahat na nagbibigay istorya sa buhay.
Sinabi ni Speaker Romualdez ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng mga nasa entertainment industry ang nais na tiyakin ng bagong batas na ito.
Ayon sa lider ng Kamara nagkaisa ang Kongreso sa pagpasa ng panukala dahil naniniwala ito sa kahalagahan na mabigyan ng dignidad ang bawat manggagawa.