Welcome sa Department of Education (DepEd) ang pagsasabatas sa Republic Act 11476 o Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education Act sa curriculum ng mga estudyante.
Sa pahayag ng DepEd, nagpapasalamat sila kay Pangulong Duterte at sa mga mambabatas na nagsulong ng GMRC law.
Ayon sa kagawaran, malaking tulong ito para magbigay kapangyarihan sa mga kabataan na makapag-ambag sa nation-building habang napapangalagaan ang kanilang physical, moral, spiritual, intellectual, at social well-being.
“Though we have been providing lessons on GMRC and Values Education in our K to 12 curriculum, we value the vital role of RA 11476 will play in strengthening our youth’s decision-making skills, attitude, and behaviors, especially in these critical times,” saad ng DepEd.
Bagamat may mga aralin tungkol sa GMRC at Values Education sa ilalim ng K to 12 curriculum, malaking bagay umano ang naturang batas.
“With this law, and our nation’s aspiration to guide our youth to the right path, we look forward to raising more Filipinos who are Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa.”
Sa ilalim ng batas, papalitan nito ang Edukasyon sa Pagpapakatao sa K-12 curriculum.
Isasama ang GMRC sa araw-araw na learning activities sa kindergarten habang ituturo naman ito bilang hiwalay na subject mula Grade 1 hanggang 6.
Sa Values Education naman ihahalo ang GMRC para sa Grade 7 hanggang 10, habang iintegrate na lang ang values education sa mga subject sa Grades 11 at 12 sa K-12 Basic Education Curriculum.