VIGAN CITY – Kukuwestiyunin sa Supreme Court (SC) ang panukalang pagsasabatas sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa mga senior high school students.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Alliance of Concern Teachers (ACT) party-list Representative France Cactro, sinabi nitong hindi ang ROTC ang makakapag-develop sa pagiging makabayan gayundin sa disiplina at nasyonalismo ng mga estudyante.
Ayon kay Castro, ang panukalang pagsasailalim sa mandatory military training sa mga menor de edad ay labag sa international childrens right dahil nakasaad doon na hindi bababa sa 18-anyos ang dapat na sumailalim sa ROTC.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng legal team ng Makabayan bloc ang kanilang hakbang para maharang ang nasabing panukala.
Una rito, sinertipikahang urgent ni Presidente Rodrigo Duterte ang Senate Bill 2232 o ang Senior High School Reserve Officers Training Corps Act.
Nakasaad doon na mandatory ang ROTC sa mga senior high school students.
Una nang inaprubahan sa Kamara ang ROTC Bill.