Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na mahalagang hakbang tungo sa layunin ng higit na transparency, pananagutan at proteksyon sa mga mamamayan laban sa financial scams ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng New Government Procurement Act (NGPA) at Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA).
Kabilang si Escudero sa mga personal na nakasaksi sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa New Government Procurement Act (NGPA) at Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA) sa Malacañang.
Kumpiyansa si Escudero na mas mapapalakas ang transparency sa pamahalaan at pagbibigay proteksyon sa mga Pilipino laban sa financial fraud sa pagsasabatas ng nasabing mga panukala.
Ang mga batas aniyang ito ay makapagbibigay ng malakas na framework para sa ethical na pamamahala at kaligtasan ng publiko laban sa fraudulent activities.
Ayon sa liderato ng Senado, maaasahan ng taumbayan na sa mga batas ay mas magiging matatag at mas mapagkakatiwalaan ang sistema sa gobyerno.
Pinuri ni Escudero ang pagtutulungan ng Senado at Kamara at ng eexecutive branch sa pagpasa sa mahahalagang hakbang na ito.