-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagal ng overdue ang kondonasyon o pagpapatawad sa mga hindi nabayarang amortisasyon sa lupa ng mga Agrarian Reform Beneficiaries ukol sa programa sa lupa ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni dating Department of Agrarian Reform o DAR Secretary at ngayo’y chairperson emiritus ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP na si Rafael Mariano.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Mariano na nararapat lamang ang pinirmahan ni DA Secretary at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na New Agrarian Emancipation Act na magko-condone sa amortisasyon sa lupa na binabayaran ng mahigit 600,000 ARBs ng Comprehensive Agrarian Reform Program o RA 6657.

Tatlumpu’t limang taon umano ang iginugugol ng gobyerno bago marekognisa ang kawalang kakayahan ng mga magsasaka na mabayaran ang utang at mariyalisa na ng amortisasyon ay counterproductive burden para sa mga ARBs.

Dapat umano’y isusunod na ng gobyerno ang pagsasabatas na sa bagong agrarian reform program at libreng pamamahagi ng lupa.