Patuloy ang panawagan at paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko lalo na doon sa hindi pa nagpabakuna na magpaturok na laban sa COVID-19 bago pa man ang holidays.
Umaapela si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na sana ang mga hindi pa nagpa-first booster at secod doses ay ituloy na para mas lalong maging protektado.
Ayon sa opisyal sa darating daw kasi na kapaskuhan ay wala na silang hinihiling na mga restirictions dahil halos lahat naman daw ngayon na mga local govertments ay nasa alert level 1.
Nagbabala pa si Usec Vergeire, ang pagsasagawa ng mga Christmas parties, mga pagtitipon at mga reunions ay maituturing na mga “high-risk” para sa COVID-19 transmission.
Paalala pa nito ang pagsusuot ng face mask at pagbabakuna ay malaking bagay para makatulong laban sa coronavirus.
-- Advertisements --