ILOILO CITY – Pansamantalang ipinatigil ang pagsasagawa ng COVID-19 test sa Western Visayas Medical Center na siya ring sub-national laboratory sa lungsod ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Renilyn Reyes, COVID-10 spokesperson ng Department of Health (DOH)-6, sinabi nito na mechanical problem ang dahilan kung bakit pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng naturang ospital kung COVID-19 ang pag-uusapan.
Ayon kay Reyes, nasira ang Negative Pressure Room kung saan isinasagawa ang pagdeactivate ng virus na posible nasa specimen base na rin sa biosafety requirement ng DOH.
Ani Reyes, mula noong Mayo 27, umabot na sa 1,168 ang naka-pending na specimen sa nasabing hospital.
Umaasa si Reyes na agad na matugunan ang naturang problema upang unti-unti ng ma umpisahan muli ang pagproseso ng specimen na galing sa buong rehiyon.