-- Advertisements --
Mariing kinondena ng Philippine Navy ang isinagawang maritime exercise ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Kabilang sa isinagawang pagsasanay ay ang People’s Liberation Army Navy ng China sa naturang teritoryo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Phil. Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na dapat ay coordinated sa Pilipinas ang anumang isasagawang pagsasanay sa loob ng teritoryo nito.
Tiniyak ng PH Navy na ang mga agresibong hakbang ng China ay patuloy nilang binabantayan.
Present sa pagsasanay ang isang landing ship ng China,barkong pandigma at 2 dalawang support vessel nito.
Bukod dito ay nagsagawa rin aniya ng helicopter at hovercraft operations malapit sa bahagi ng Sabina Shoal .