CAUAYAN CITY – Pansamantalang ipinagpaliban ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore ang pagdaraos ng misa sa mga simbahan, retreats at seminars bilang bahagi ng precautionary measures matapos na umakyat na sa humigit kumulang limampong katao na ang nagpositibo sa Coronavirus disease o COVID-19 sa nasabing bansa.
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Era Alphine Gamet tubong lalawigan ng Quirino at OFW sa Singapore sinabi niya na nauna nang naglabas ng pabatid ang Philippine Embassy kaugnay sa pansamantalang pagkansela ng mga misa, retreats, seminars at iba pang aktibidad sa nasabing bansa.
Nanawagan si Archbishop William Goth ng simbahang kotoliko sa Singapore sa lahat ng mga pilipinong katoliko na maging aktibo sa paggawa ng kanilang tungkulin upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19.
Ayon pa kay Era Alphine Gamet, nagbigay pabatid ang Philippine Embassy sa pagsasagawa ng sanitation sa mga simbahan at iba pang mga lugar kung saan madalas nagtitipon tipon ang mga OFW sa nasabing bansa kabilang na ang Sentosa Island.
Ang malawakang sanitation ay ipinapatupad sa mga pampublikong lugar at ilan public transportation bunsod ng mga naitatalang positibo sa COVID-19.
Hinikayat ni Archbishop William Goth, ang mga katoliko na sundan na lamang sa pamamagitan ng Social Media ang mga isasagawang live broadcast ng mga misa ng simbahang katolika sa Singapore.