-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pansamantalang ipinagliban ng Archdiocese of Capiz ang pagsagawa ng misa sa mga simbahan sa lungsod ng Roxas.

Ito ay kinumpirma ni Rev. Fr. Emilio Arturo Arbatin, spokesperson for Social Communication and Mass Media.

Ayon kay Arbatin, nakasaad sa inilabas na Circular No. 22 series of 2020 ni Msgr. Jose Advincula na suspendido muna ang pagsagawa ng misa sa mga simbahan sa lungsod simula Agosto 18 hanggang Agosto 31.

Kasunod ito ng pag-anunsyo ni City Mayor Ronnie Dadivas matapos nakapagtala ng local transmission sa lungsod.

Nilinaw ni Arbatin na hindi saklaw ng circular ang mga simbahan sa mga bayan.

Pwede naman na masaksihan ang misa sa pamamagitan ng Facebook live ng simbahan.

Samantala, ang pagsagawa ng binyag, kasal at misa sa mga patay ay pansamantalang suspendido rin maliban na lamang sa mga nakalista na bago pa inanunsyo ang suspensyon.