-- Advertisements --

Pagsasagawa ng nationwide simultaneous earthquake drill, isa pang paraan upang hamunin ang mga paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaang upang maiwasan ang kahihinatnan ng posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol o ‘the big one’; Publiko, hinimok na seryosohin ang mga isinagawang earthquake drill

Inamin ni Office of Civil Defense spokesperson Director Edgar Posadas na handa naman umano sila sa posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol o ang ‘ the big one’ sa bansa gayunpaman kinakailangan pa rin umano nilang tingnan kung ano pa ang mga dapat gawin at kailangan din nila ang kooperasyon ng publiko.

Sa panayam ng Star Fm Cebu kay Direktor Posadas, kanyang sinabi na nais nilang tingnan kung paano maiwasan ang inaasahang 50,000 kaswalti batay sa pag-aaral noong 2014 na maaring tatama ang lindol sa West Valley sa Metro Manila.

Maliban sa duck, cover, and hold ay binigyang-diin pa nito ang kahalagahan ng engineering intervention kung saan kailangang tingnan ang mga imprastraktura.

“Tinitingnan pa rin natin kung ano pa ba ang pwedi nating gawin. God forbid na mangyari yun so that hindi natin abutin yung ganun kadami… Yes, we are prepared but we are are trying to challenged our own preparedness para walang makalimutan and walang sisihan sa huli. Because we would like to really to look into how to prevent projected casualties dun sa pag-aaral,” saad ni Posadas.

Hinimok pa nito ang mga local government units na bumuo ng sariling senaryo at isama sa kanilang mga drills ang mga salik na naaayon sa kani-kanilang lugar at isaalang-alang ang mga worst-case scenario gaya na lamang kapag nangyayari ito sa gabi, pag-ulan at pagbaha, at mga pamilyang may mga espesyal na pangangailangan.

Napapaligiran pa ang bansa ng 18 hanggang sa 20 fault active trenches kaya kinailangan umanong maghanda kasabay ng panawagan sa publiko na seryosohin ang mga earthquake drill, huwag mag panic at magkaroon ng presensya sa pag-iisip.

Sa darating na Hunyo 28 nga, isasagawa ang 2nd quarter ng nationwide simultaneous earthquake drill.

Isasapinal pa aniya nila ang sentro ng nationwide earthquake drill sa Camp Aguinaldo at ite-test pa umano nila ang mga responding regions.

“In worst case scenario is halimbawa ma bog down talaga, yung marami talagang damages dito sa Metro Manila. And our assisting regions, yung tinatawag naming twinning, they come to the rescue, they manage and they command.