Nagbigay ng payo ang isang eksperto sa mga nagplaplanong magsagawa ng mga family reunion o party sa Christmas season sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head for Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine at San Lazaro Hospital, na mas mainam na magsagawa ng mga pagtitipon sa outdoors para less ang hawaan subalit hinihikayat lalo na ang mga vulnerable population na huwag lumahok sa mga parties at gatherings sa kasagsagan ng holidays lalo kung hindi pa bakunado.
Subalit kung hindi man maiiwasan na maisama ang vulnearable population, dapat pa rin na magsuot ang mga ito ng face masks.
Ibinabala din ng eksperto na may mataas na risk ng aerosolization o ang pamumuo ng airborne particles na naglalaman ng infectious virus o bacteria kayat mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face mask.
Ayon pa kay Dr. Solante na ang bahagyang pagtaas ng covid-19 infections sa bansa ay dahil sa mataas na mobility noong nakalipas na Undas at hindi dahil sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask indoors.
Masyado pa aniyang maaga para matukoy na ito ay dahil sa optional na pagsusuot ng face mask.