Iniulat ng Commission on Elections na handa na sila sa pagsasagawa ng plebisito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ginawa ng poll body ang pahayag sa naging pagbisita ng mga kawani nito sa South Cotabato.
Bukod sa mga kawani ng COMELEC, personal rin na nagtungo sa lugar ang ilang opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Pangunahing layunin nito na matiyak ang seguridad sa gagawing plebisito sa rehiyon.
Ito ay nakatakdang gawin sa darating na Abril 13 ng taong ito.
Ang naturang plebesito ay para sa pagbuo ng 8 bagong munisipalidad sa BARMM mula higit 60 na mga barangay na pasok sa special geographic area.
Lahat ng nasabing bilang ng barangay ay nagmula sa North Cotabato na siya naman boboto para maging parte ng BARMM.
Sa oras naman na matapos na ang plebisito, tatawagin na ang mga nabanggit na bayan ng PAHAMUDDIN, KADAYANGAN, NABALAWAG, OLD KAABAKAN, KAPALAWAN, MALIDEGAO, TUGUNAN AT LIGAWASAN.
Aabot naman sa 89,594 na mga botante ang inaasahang lalahok sa plebisito.