-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pansamantalang kinansela ng Archdiocese of Jaro ang lahat ng misa sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Father Angelo Colada, director ng Commission on Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na tumalima sila sa panawagan ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas sa pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng misa at mass gathering habang isinasailalim ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Colada, papayagan rin ang misa sa patay at binyag, ngunit dapat ay limitado lang sa pamilya.

Napag-alaman na una nang nagpositibo sa COVID-19 ang limang pari sa Iloilo kung saan ang dalawa sa kanila ay nasa ospital ang ang tatlo ay nasa hotel at naka quarantine.