-- Advertisements --

Naging matagumpay ang pagsisimula ng tunnelling works sa Metro Manila Subway Project (MMSP) Phase 1.

Ang naturang proyekto ay isa sa mga itinuturing na ‘Project of the Century’ ng Department of Transportation sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nailatag rin kasi kaagad ang Tunnel Boring Machine na siyang gagamitin sa paghuhukay sa naturang tunnel bilang bahagi ng Contract Package 103.

Ang proyekto ay binubuo ng dalawang underground stations ang Anonas Station at maging ang Camp Aguinaldo Station.

Nanguna si Transportation Undersecretary Jeremy Regino, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, at mga opisyal ng Sumitomo Mitsui Construction Co., Ltd sa paglulunsad nito.

Sa ngayon, aabot na sa 13% ang nakukumpleto sa nasabing proyekto ng ahensya.

Target rin ng DOTR na makumpleto ang 20% na bahagi ng proyekto ngayong taon at inaasahang magiging full operational na ito sa 2029.

Ayon sa ahensya, ang Metro Manila Subway Project ay may kabuuang haba na 33 kilometer at may 17 na istasyon na inaasahang makakapag accomodate ng higit 500k na pasahero kada araw.