DAVAO CITY – Pinayuhan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio ang mga dabawenyos na hindi magpakalat ng post sa social media at maniniwala lamang sa official facebook page ng lokal na pamahalaan kung may ilalabas na anunsiyo.
Ang pahayag ng Mayor ay may kaugnayan sa mga kumakalat sa social media na isasailalim ang Davao sa City Wide lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa Covid-19.
Una ng nilinaw ng alkalde na walang katotohanan ang nasabing impormasyon na magsisimula ang City wide lockdown sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 dahil ang nasabing mga petsa ay kautusan lamang para pagbawalan muna na pumunta sa sementeryo upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.
Nagsagawa na rin ngayon ang Davao City Police Office (DCPO) ng imbestigasyon para malaman kung sino ang nagpakalat sa maling impormasyon.