-- Advertisements --

ROXAS CITY – Inerekomenda ng Provincial Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Sangguniang panlalawigan ang pagdeklara ng state of calamity sa buong probinsya ng Capiz dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Sa pahayag ni Atty Luvim Amores Public Information Officer ng Capiz Provincial Government, na ayon sa datos noong Hunyo 6, 2023, 242 sa pangkabuuan na 473 na mga barangay sa probinsya ang apektado na ng ASF.

Dagdag pa ni Amores na panahon na upang mapasailalim sa State of calamity ang buong probinsya nang sa ganun ay magamit na ang Calamity fund para sa mga apektadong mga lugar.

Sakaling mapasailalim ang probinsya ipapatupad rin ng provincial government ang prevention, monitoring at control sa mga prime commodities.

Nakatakda naman na ipasa ang resolusyon ng PDRRMC sa sangguniang panlalawigan ngayong araw at posibling may magaganap na special session ang Sangguniang Panlalawigan para bigyang pansin ang pagdeklarar ng state of calamity sa buong probinsya.