-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magiging limitado lamang ang epekto sa ekonomiya ng muling pagsasailalim sa Metro Manila at ilang mga kalapit na lugar sa modified enhanced community quarantine.

Sa isang pahayag, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, isang public health issue ang pandemya, na ibig sabihin ay hindi lamang dapat ang gobyerno ang kumilos para hanapan ng solusyon ang pandemya.

Paglalahad pa ni Diokno, may papel na dapat gampananan ang mga mamamayam upang bawasan ang mga epekto ng health crisis.

“This coronavirus pandemic is a public health issue with monumental economic implications,” wika ni Diokno. “The term public means that each individual has a role to play in mitigating the adverse impact of the crisis on the loss of lives, jobs, and livelihoods.”

Una rito, nangangamba ang ilang mga analyst sa pasyang ilagay ulit sa MECQ ang Metro Manila dahil sa magiging pasakit ito sa mga negosyo.

Mas mahirap din umano ang ikalawang lockdown bunsod ng pagkaubos na ng pondo at nasagad na raw ang ibang mga paraan para gastusan ang ilang mga sinuspindeng operasyon.