Laman ngayon ng mga usap-usapan ng mga Pinoy basketball fans ang pagsasalita ng wikang Filipino ni Miami Heat head coach Erik Spoelstra sa isang press conference.
Bago kasi sagutin ni Spoelstra ang tanong mula sa Philippine media matapos ang Game 2 victory ng Heat kontra sa Boston Celtics, binati nito ang reporter sa pamamagitan ng wikang Tagalog.
Tinanong kay Coach Spo kung nais nitong makita si Jimmy Butler na mas agresibo.
“Kumusta? Mabuhay! Salamat po,” wika ng 49-anyos na Filipino-American coach.
Maalalang si Spoelstra ay may lahing Pinoy sa pamamagitan ng kanyang ina na tubong lalawigan ng Quezon.
Samantala, si Spoelstra na rin ang ikawalong winningest coach sa NBA playoffs hawak ang 81 overall wins, kung saan nahigitan din nito ang dating NBA coach na si George Karl.