-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Jaime B. Santiago na nakapagsumite na ng reklamo ang NBI laban sa mga pasimuno ng kumalat na pekeng ‘polvoron video’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kung saan ibinahagi mismo ng naturang NBI chief sa isang panayam na ang kawanihan ay nagsampa na ng kaso sa Department of Justice.

Matatandaan na kumalat ang sinasabing kontrobersyal na polvoron video umano ng Pangulo na mariin namang kinumpirma ng pamahalaan na ito’y manipulated at gawa-gawa lamang.

Alinsunod sa mga naging pahayag ng Malacañang na ipaubaya na sa kanila katuwang ang Department of Justice na maghain ng reklamo laban sa mga nasa likod ng pagkalat ng video.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ianaasahang maglalabas ang Department of Justice ng isang resolusyon para malaman ang desisyon sa inihain nilang kaso.