Nagsimula na ang Taiwan sa pagsasanay ng mga manggagawa at estudyanteng Pilipino hinggil sa modern organic farming.
Ito ay sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na palakasin ang lokal na produksyon ng agrikultura sa bansa.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office chairman Silvestre H. Bello III , ang naturang training ay libre .
Ani Silvestre, sumasaklaw ito sa modern organic farming na maaaring magamit ng mga OFWs at Filipino students sa oras na sila ay bumalik sa bansa.
Ito rin ay magsisilbing alternatibong pangkabuhayan na malaki rin ang potensyal para sa agri-business.
Paliwanag ni Bello, sila ay nagpapakilala ng isang programa na layuning mabigyan ang mga OFW kabilang na ang mga Filipino migrant at estudyante sa Taiwan ng mga angkop na kasanayan sa modern organic farming.
Sa ganitong paraan aniya ay dahan-dahan itong makapag aambag sa pagtaas ng aming domestic food production at mapabuti ang kanilang pamumuhay .
Sinabi ni Bello na ang unang batch ng mga nagsasanay ay kinabibilangan ng 15 OFW at siyam na Filipino immigrants at students.
Sila ay sumailalim sa dalawang araw na experiential training sa isang sakahan sa Kaohsiung City.
Ang pagsasanay na ito ay nagbigay ng immersive at hands-on na karanasan sa agri-technologies, agri-education at agri-entrepreneurship.
Ang programa sa pagsasanay ay isang magkasanib na gawain ng MECO Kaohsiung Extension Office at ng Migrant Workers Office sa pakikipagtulungan sa AgriGaia Social Enterprise International Ltd na nakabase sa Kaohsiung