-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng pagpupulong ang Provincial Inter-agency Monitoring Task Force (PIMTF) sa COTGEM Multipurpose Building, Provincial Capitol Compound Brgy Amas Kidapawan City.

Kabilang sa tinalakay ay ang presentasyon at pagsasapinal ng Functionality ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), kung saan masusing sinuri ang mga indicator upang masiguro na mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga kabataan sa buong lalawigan na isa sa mga prayoridad ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.

Itinaguyod din ng PIMTF ang balidasyon ng Chief-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) Checklist, kung saan kasalukuyan nang isinasagawa sa pamamagitan ng on-line platforms ang ebalwasyon sa mga Local Government Units (LGUs) sa probinsiya.

Ang PIMTF ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Task Force Head – Department of Interior and Local Government (DILG), Co-Task Force Head – Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at mga kinatawan mula sa Department of Education (DepED), Provincial Planning and Development Office (PPDO), Integrated Provincial Health Office (IPHO), Provincial Nutrition Action Office (PNAO) at Civil Society Organization bilang mga myembro ng task force.