ILOILO CITY – Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang listahan ng mga pulitikong iniuugnay sa operasyon ng illegal drug trade bago ang halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo hinamon ni CHR regional director Atty. Jonnie Dabuco ang DILG at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maglabas din ng sapat at valid na mga ebidensyang magpapatunay kung isasapubliko man ng mga ito ang narco-list.
Ito’y dahil hindi raw patas kung basta lang papangalanan ng mga tanggapan ang ilang pulitiko nang walang matibay na basehan sa kanilang pagkakabilang dito.
Madudungisan din umano kasi nito ang pangalan ng mga indibidwal kung lalabas din naman na walang batayan ang pagsasangkot sa mga ito.
Para sa CHR official, mabuting sampahan na lang ng kaso ang mga pinaghihinalaang narco-politicians para mapanagot sa batas.