-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Kumbinsido ang isang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) na dapat kasuhan for disqualification ang mga politikong kabilang sa narco-list ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, suportado niya ang hakbang ni Interior Sec. Eduardo Año na pagsasapubliko ng naturang listahan bago ang halalan sa Mayo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng opisyal na handang makipagtulungan ang COMELEC sa Department of Interior and Local Government at Philippine National Police sakaling makipag-ugnayan sa kanila.
Nilinaw din ni Guanzon na titingnan muna ng poll body ang pinagbasehan ng mga tanggapan sa narco-list bago gumawa ng kaukulang hakbang bilang tugon.