May malaking tulong umano ang ginagawa ng Pilipinas sa pagsasapubliko sa pagpapakalat ng maritime militia ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa Asia Maritime Transparency Initiative (AMT), dahil sa pagsisiwalat ng gobyerno sa ginagawang ito ng China ay napipilitan silang umalis sa lugar.
Isang inihalimbawa nila ay ang pag-alis ng mga Chinese vessels na nanatili noon sa Julian Felipe Reef.
Magugunitang noong Marso ay ibinunyag ng National Task Force for the West Philippine Sea na mayroong 220 Chinese maritime militia ships ang nakita sa Julian Felipe Ship pero umalis lamang ang mga ito matapos na isumbong ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr sa China na tanggalin ang kanilang mga barko.