CENTRAL MINDANAO – Walang katotohanan ang mga kumakalat sa social media na umano’y ay isang linggong isasara ang mega market sa Kidapawan City dahil sa banta ng COVID-19.
Mismong si City Mayor Joseph Evangelista na ang nagsabing peke ang balitang kumakalat ngayon sa social media dahil walang planong ipasara ng City Government ang pasilidad.
Nagbanta ang alkalde na makukulong kung sinuman ang nagpapakalat ng fake news lalo pa at bayolasyon ito sa COVID19 Bayanihan to Heal as One Act na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte maliban pa sa magdadala lamang ng pangamba sa nakakarami ang fake news ng closure ng Mega Market.
Katunayan exempted ang mega market sa mga isinarang pasilidad sa panahon ng Enhanced Community Quarantine sa lungsod.
Apela ng City Government na tanging sa mga pahayag lamang ng pamahalaan maniwala at huwag sa tsismis at fake news.
Tinitiyak ng alkalde na mananagot ang sinuman na magpapakalat ng kasinungalingan lalo na at mas pinalakas pa ng bagong batas na pirmado ng Pangulo ang Anti-Cyber Crime Act na nagbibigay kaparusahan sa pagpapalabas ng fake news sa social media.
Hinikayat din niya ang lahat naireport agad sa kanya kung may mga kilalang tao na gumagawa at nagpapakalat ng fake news sa panahon ng enhanced community quarantine.