-- Advertisements --
Isinisi sa maraming nagsarang mga nagbebenta ng mga broilers kaya tumaas ang presyo ng mga karne ng manok sa maraming lugar sa bansa.
Sinabi ni United Broilers and Raisers’ Association (UBRA) president Elias Jose Inciong, mula pa lamang noong magsimula ang lockdown noong Marso ay napilitang magsara na ang kanilang miyembro.
Napakababa kasi ng demand ng mga manok dahil sa COVID-19 pandemic.
Napipilitan na lamang ang mga kasamahan nila dahil mataas ang demand ng karne ng manok ngayong Kapaskuhan subalit kakaunti ang suplay.