Suportado ng DILG ang hakbang ng ilang lokal na gobyerno na isara ang kanilang mga nasasakupang sementeryo sa darating na Todos Los Santos bilang pag-iingat na rin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, pabor sila na huwag munang buksan sa publiko ang mga libingan sa Undas upang makaiwas sa mass gatherings.
Paliwanag pa ni Año, puwede namang bumisita ang mga tao sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay kahit kailan.
Nakatakda namang magpulong ang Metro Manila mayors upang talakayin ang iisang polisiya para sa Todos Los Santos.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magkaroon na lamang ng staggered visitation scheme sa mga sementeryo sa Nobyembre.
Ayon kay Roque, mas makabubuti raw na gawing isang buwan ang paggunita sa Araw ng mga Patay imbes na ilang araw lamang.
Mas makasisigurado aniya na hindi bubuhos ang tao sa mga libingan.