-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Handa na ang mga kawani ng Mindanao Container Terminal (MCT) na ibiyahe pabalik sa South Korea ang nalalabing mga tone-toneladang basura ng Verde Soko sa may Sitio Bugwak, Sta. Cruz, Tagoloan Misamis Oriental.

Isang simpleng ceremonial activity ang gagawin ngayong araw bago ikarga sa barko ang 2,400-toneladang basura.

Malaki ang pasasalamat ni MCT port collector John Simon sa Bombo Radyo na kabilang sa mga nanawagan sa kompaniyang Verde Soko na maibalik sa South Korea ang mga basura at mapasurahan ang mga responsable sa pagtapon ng basura.

Napag-alaman na gagawin ngayong araw ang first batch ng pagbiyahe ng mga basura na isisiksik sa 60 container vans mula Verde Soko Philippines Industrial Corp., habang ang iba pang mga basura ay ibabalik sa Pebrero 9 ng mga vessel mula Maersk International Shipping Lines na siyang official carrier.