GENERAL SANTOS CITY – Inilatag na ni P/Col. Alexander Mariano, Officer-in-Charge ng Police Regional Office(PRO)12 ang kanyang kampanya laban sa lahat ng smuggling activities dito sa rehiyon.
Noong Nobyembre 16, 2024 epektibo ang pag-upo ni PCol. Mariano bilang bagong opisyal ng PRO 12 na humalili sa nagretiro na si Brig. General James Gulmatico.
Kaagad itong nagpatawag ng Command conference at pinagbantaan ang sino mang pulis na sangkot sa cigarette smuggling na huminto na matapos sinabi na may paglalagyan ang mga ito sa kanyang administrasyon.
Dagdag pa nito na zero tolerance sa ‘erring cops’ sa kanyang liderato.
Ito din umano ang marching order ni PNP Chief Police Director General Francisco Marbil para masawata ang smuggling activities sa bansa.
Nalaman na dito sa Region 12 (Soccsksargen) may P25.5 Billion na ang lugi ng gobyerno dahil sa smuggling activities.