-- Advertisements --
Nilinaw ng Malacañang na hindi na kailangan pang maglabas ng Official Communication ang Office of the President (OP) kaugnay ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, saklaw si VP Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo na sa Pangulo ang appointing authority.
Ayon kay Sec. Panelo, nasa kapangyarihan din ni Pangulong Duterte ang pagpapaalis sa sinumang itinalagang opisyal sa gobyerno anumang oras niya ito nanaisin.
Magugunitang Oktubre 31 ng nilagdaan ng Pangulong Duterte ang appointment papers ni VP Leni bilang co-chair ng ICAD.