-- Advertisements --
image 391

Tuluyan nang inaprubahan ni National Capital Region Police Office Chief PBGEN Jose Melencio Nartatez ang dismissal order sa walong mga pulis na sangkot sa mistaken identity Jemboy Baltazar case sa Navotas City.

Ito ay kasunod ng naging rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service na sibakin na puwesto ang naturang mga pulis matapos ang kanilang isinagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing kaso.

Matatandaan na batay sa nakalap na mga impormasyon ng naturang hanay ng kapulisan ay lumalabas na guilty ang mga ito sa nasabing kaso nang dahil na rin sa matibay na ebidensyang hawak nila na nagpapatunay lamang na sangkot ang mga ito sa pamamaril kay Jemboy.

Dahil dito ay nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang anim sa mga pulis sa kasong grave irregularity in the performance of duty, at conduct of unbecoming of a police officers, habang grave neglect of duty naman ang kakaharapin ng dalawang team leader ng mga ito