-- Advertisements --

Aasahan na umano ang malawakang pagsibak sa mga tinaguriang rogue cops sa mga susunod araw at darating na buwan.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Oscar David Albayalde laban sa mga pasaway at tiwaling pulis na nakatakdang masibak sa serbisyo.

Panawagan ni Albayalde sa publiko na isumbong ang mga pulis na gumagawa ng katiwalian, gayundin ang mga bastos sa kanilang pakikitungo sa publiko, at yaong mga ayaw rumesponde na nagdadahilan na “walang gasolina.”

Maaari aniyang iparating ang mga sumbong sa dating text Bato hotline sa 2286 o 2920 na ngayon ay i-text kay OCA hotline na.

Giit ni Albayalde, seryoso siya sa kampanya laban sa mga hindi disiplinadong pulis at hindi nagpapakitang gilas.

Aniya, noong siya pa ang National Capital Region Police Office director, nasa 279 na pulis ang pinadismis niya sa serbisyo, 825 ang sinuspinde, 99 ang demoted at 365 ang ni-reassign sa Mindanao.