ILOILO CITY – Sinang-ayunan ni dating Department of Health (DOH) Sec. Janette Garin ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin ang mga kurakot na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay may kaugnayan sa mga “ghost dialysis” na nakalusot sa nasabing ahensya.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na makakabuti para sa bansa kung paalisin ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Garin, nararapat na mayroong “stonger political will” si DOH Sec. Francisco Duque III upang hindi na maulit pa ang nasabing kotrobersiya.
Sa ngayon ayon sa dating kalihim, maraming mga elected official ang nagpahayag na nais tumulong upang maresolba ang problema sa PhilHealth.
Itinuturing ng opisyal na “blessing in disguise” ang pagbunyag ng anomalya sa PhilHealth nang sa gayon ay kaagad itong masolusyunan.