-- Advertisements --

May basbas na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagsibak sa pwesto kay Bureau of Immigration (BI) Chief Norman Tansingco.

Ito ang kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez.

Ayon kay Chavez ang pag relieved sa pwesto kay Tansingco ay may kaugnayan sa isyu ni Alice Guo na nakatakas palabas ng bansa.

Una ng inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na may gugulong na mga ulo dahil sa pagtakas ni Guo.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagkasundo sila ni Pang. Marcos na sibakin sa pwesto ni Tansingco.

Inirekumenda kasi ni Remulla ang pag relieve kay Tansingco.