-- Advertisements --
Hindi alintana ng Kamara na nauna nang nagsagawa ng public hearing ang Senado patungkol sa franchise renewal application ng ABS-CBN.
Sa interview kay House Committee on Legislative chair Rep. Franchises Franz Alvarez, sinabi nitong nirerespeto nila ang naging hakbang ng Senado bagkus hiwalay naman sila ng Kamara.
Nitong araw ng Lunes, habang nagsimula nang dinggin ng Senado ang franchise renewal application ng ABS-CBN, sinimulan na rin ng Kamara ang pagtanggap sa mga position paper na tutol at pabor sa issue.
Sinabi ni Alvarez na maaring talakayin ng Kamara ang prangkisa ng media giant sa darating na Mayo o Agosto pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.