Inihayag ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na posibleng maituring na paglabag sa international treaty ang pagsira sa mga bahura sa Iroquios Reef at Sabina Shoal.
Ito ay kaugnay pa rin sa umano’y massive harvesting ng China sa mga corals sa Iroquios Reef at Sabina Shoal na kapwa nasasakupan ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Teodoro, batay sa arbitral award ay isang paglabag sa international treaty ang destruction sa maritime life sa nasabing lugar.
Ngunit gayunpaman ay sinabi ng kalihim na kinakailangan pa rin itong ivalidate lalo na kung ang pagsira sa mga bahura ay para sa reclamation ng mga artificial island na malinaw aniyang paglabag sa nasabing kasunduan.
Dagdag pa ng opisyal, sa oras na matapos na ang validation ng mga kinauukulan hinggil dito ay agad na makikipag-ugnayan ang DND sa Department of Foreign Affairs para sa pagsasagawa ng mga kaukulang aksyon.
Kung maaalala, una nang nagpahayag ng pagkabahala ang DFA at maging ang iba pang mga bansa hinggil sa natuklasang ito ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa seabed ng Iroqouis Reef